Angelica Panganiban at bagong boyfriend, nagbakasyon sa Subic

By Chona Yu February 06, 2021 - 12:48 PM

(Courtesy: Angelica Panganiban’s Instagram account)

Trending sa Instagram ang bagong post ng aktres na si Angelica Panganiban.

Nagbakasyon kasi sa Subic Bay si Angelica kasama ang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Ito ang kauna-unahang picture ni Angelica kasama ang kasintahan.

Nakalagay pa sa caption ni Angelica na “Dad, Mom, make space for me? ‘Cause I’m the cutest’ – Roxy,” kung saan tinutukoy nito ang alagang aso.

Enero 1 ngayong taon nang ibunyag ni Angelica na mayroon na siyang bagong boyfriend.

Agad namang umano ng positibong feedback ang post ni Angelica gaya na lamang ng aktres na sina Bea Alonzo, Maja Salvador, Mico Del Rosario, director Mae Cruz Alviar, at iba pa.

 

TAGS: Angelica Panganiban, Bea Alonzo, director Mae Cruz Alviar, Gregg Homan, Maja Salvador, Mico Del Rosario, Roxy, Subic Bay, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, director Mae Cruz Alviar, Gregg Homan, Maja Salvador, Mico Del Rosario, Roxy, Subic Bay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.