Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (February 5), umabot na sa 533,587 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 34,255 o 6.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,894 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
89 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6 porsyento ang asymptomatic; 0.51 porsyento ang moderate; 2.2 porsyento ang severe habang 2.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 61 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 11,058 o 2.07 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 397 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 488,274 o 91.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.