Aktibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City, mababa na sa 1,000

Nadagdagan pa ang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 30,680 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Biyernes ng umaga (February 5).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 964 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

Mayroon ding bagong gumaling sa lungsod.

Bunsod nito, 28,902 o 94 porsyento na ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 814 na o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 163,550 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...