Government personnel na may official business, exempted na sa Covid health protocols
Hindi na kinakailangan na sumailalim sa mandatory testing at quarantine protocols ng mga lokal na pamahalaan na kanilang pupuntahan ang mga bibiyaheng opisyal, mga kawani ng gobyerno, kasama na ang mga nagtatrabaho sa Bangko Sentral ng Pilipinas at Philippine Deposit Insurance Corporation.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force na gawing exempted na ang mga public officials at government personnel na dumaan sa mga protocols.
“Hindi na sila kinakailangang sumailalim sa mandatory testing at quarantine protocols ng mga lokal pamahalaan na kanilang pupuntahan basta makapagprisinta lang sila ng kanilang ID,” pahayag ni Roque.
Pero ayon kay Roque, kinakailangan lamang na mag-presenta ng valid na ID ng kanyang tanggapan na pinapasukan.
Kailangan din aniya ang certified true copy ng travel authority bilang patunay na ang kanyang biyahe ay opisyal.
Sinabi pa ni Roque na dapat na pirmado ng Department Secretary o ng kanyang immediate supervisor.
Binigyang diin pa ni Roque na kinakailangan na makapasa muna sa symptom screening na ginagawa sa mga port of arrival at tiyaking sumusunod sa minimum public health standards.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.