Medical schools sa Maynila, hinimok na mag-apply ng face-to-face classes

By Chona Yu February 05, 2021 - 09:54 AM

Malaki ang tsansa na aprubahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang aplikasyon face-to-face classes ng iba’t-ibang eskwelahan na nag-aalok ng medical programs.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno,  welcome sa lokal na pamahalaan ang aplikasyon ng Centro Escolar University, Emilio Aguinaldo College, Far Eastern University at iba pang medical school.

Sa ngayon, tanging ang University of Santo Tomas pa lamang ang pinapayagan na makapagsagawa ng face-to-face classes.

Malaki rin aniya ang tsansa na payagan ang mga maliliit na nursing schools na makapagsagawa ng face-to-face classes basta’t siguraduhin lamang na makasusunod sa mga guidelines na itinakda ng Commission on Higher Education.

Nag-aalok din aniya ang lokal na pamahalaan ng libreng swab test sa mga estudyante na dadalo sa face-to-face classes.

 

TAGS: CEU, Emilio Aguinaldo College, face-to-face classes, FEU, Isko Moreno, medical schools, UST, CEU, Emilio Aguinaldo College, face-to-face classes, FEU, Isko Moreno, medical schools, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.