Pagkawala ng trabaho dapat gamutin ng gobyerno – Sen. Grace Poe
Sinabi ni Senator Grace Poe na kailangan nang magmadali ng gobyerno para matigil na ang pagkawala ng mga trabaho dahil sa kasalukuyang pandemya sa Covid 19.
Giit nito, hindi lang mga manggagawa ang na-apektuhan kundi maging ang kanilang mga pamilya.
Puna ni Poe mataas pa rin ang unemployment rate sa bansa at patuloy na nadadagdagan ang mga nawawalan ng trabaho dahil maraming negosyo ang hirap pa rin na makaagapay sa sitwasyon.
Binanggit nito ang 2,300 empleyado ng Philippine Airlines na pagpasok ng kalahati ng Marso ay mapapabilang na sa mga walang trabaho sa bansa.
Naiintindihan naman ng senadora na nakadepende sa pagdating ng bakuna ang pagpapasigla ng ekonomiya, ngunit aniya dapat ay doblehin pa ng gobyerno ang pagsusumikap na matulungan ang mga nawawalan ng trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.