COVID-19 cases sa Western Visayas, halos 23,500 na

Nagpositibo ang 115 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang February 4, umakyat na sa 23,456 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

1,146 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 75.74 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

48 naman ang gumaling pa kaya 21,602 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 702 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...