Grab Phils magbibigay ng kabuuang P6.25M sa ilang pasahero sa Metro Manila
Bilang pagsunod sa direktiba ng Philippine Competition Commission (PCC), maglalabas ang Grab Philippines ng P6.25 milyon para sa ‘disbursement’ sa ilan nilang naging pasahero noong 2019.
Sa inilabas na pahayag ng Grab Phils., sa bawat P488 na ibinayad ng kanilang mga naging pasahero mula August 11 hanggang October 31, 2019, magbibigay sila ng P1 sa darating na February 9.
Ang halaga ay ipapasok at maaring magamit sa pamamagitan ng GrabRewards Catalogue sa Grab App.
Ngunit tanging ang mga pasahero na nakapagbigay ng kumpletong detalye sa ‘know-your-customer’ process ng Grab Phils., ang maaring makagamit ng dapat na halaga ng disbursement sa kanila.
Pagdidiin lang ng App-based ride-hailing company hindi ‘overcharging’ sa pasahe sa kanilang bahagi ang isyu dahil sumusunod sila sa fare matrix na inilabas ng LTFRB.
Sa pahayag pa rin ng Grab, ikinatuwiran na may mga pagkakataon na kailangan din na magkaroon ng kompensasyon ang Grab drivers para mahikayat sila na kumuha ng mga pasahero at masuklian ang pagbiyahe nila sa kabila ng matinding trapiko.
“ Unfortunately it is during such situations when our surge fares resulted in a breach of the maximum pricing threshold set by the PCC,” ayon pa rin sa pahayag ng Grab.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.