Jomalig, Quezon niyanig ng magnitude 5 na lindol
(udpated) Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bayan ng Jomalig sa lalawigan ng Quezon.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagyanig alas 3:09 ng madaling kanina. (Lunes, April 4).
Ang sentro ng lindol ay nairekord sa 67 kilometer north ng Jomalig.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 10 kilometers.
Sa paunang impormasyon na inilabas ng Phivolcs ay walang naitalang intensity dahil sa lindol.
Wala ring inaasahang pinsala ang lindol, pero inabisuhan ng Phivolcs ang publiko sa posibleng aftershocks.
Samantala, sa update information na inilabas ng Phivolcs alas 7:23 ng umaga, ibinaba sa 4.8 ang magnitude ng lindol.
Nakasaad din sa ikalawang impormasyon na may naitalang Intensity II sa Guinayangan, Quezon dahil sa nasabing lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.