“10 hamon sa mga presidentiables”- sa ‘Wag Kang Pikon ni Jake Maderazo

April 04, 2016 - 06:52 AM

Santiago-Duterte-Binay-Roxas-and-Poe-presidential-debateSOBRANG dami ng pa-ngako nitong mga presidentiables; pati yata la-ngit at lupa, ipinangako na.

Narinig na natin ang mga iyan noong kandidato pa lang si PNoy, pero kabaligtaran ang nangyari.

Ang umiral sa nakaraang anim na taon ay isang elitistang gobyerno. Higit isang buwan na lang at eleksiyon na, pero ano ba ang batayan ninyo sa pagpili sa ihahalal na bagong pangulo?

Kung ako ang tatanungin, pinakamahalaga ang pagiging makamahirap ng isang kandidato. Una, ang hinahanap kong pangulo ay kayang alisin ang mga matitin-ding buwis na nagpapahirap sa tao.

Tagpasin sa kalahati ang excise ta-xes ng gobyerno sa premium gasoline (P5.35) at unleaded gasoline(P4.35). Ang 12 percent na VAT sa gas, diesel at kerosene gawing 10 percent na lang. Hindi po ba’t malaki ang ibababa ng pasahe at transportation costs ng mga produkto kapag ganito ang nangyari?

Ikalawa, ibalik sa gobyerno ang pamamahala sa Maynilad, Manila Water, Transo (Napocor), LRT1 at lahat ng public utilities na ginagamit ng mamamayan.

Noong araw, maraming corrupt sa MWSS at NAPOCOR, pero ngayong malalaki na ang sweldo ng mga nasa gobyerno at malakas ang Ombudsman at Sandigambayan, takot na silang gumawa ng katiwalian ngayon.

Ikatlo, tanggalin ang 12 % VAT sa lahat ng tollways (NLEX-SLEX-CAVITEX-STAR TOLLWAY,SCTEX-TPLEX). Hindi po ba’t magiging mas mura ang biyahe ng mga produkto at pati pasahe ng mamamayan?

Ikaapat, ibaba ng gobyerno ng 50 percent ang mga service fees (passport –P900,drivers license (P1,000-kasama ang NBI,PNP Court clearances), vehicle registration, airport tax atbp.). Sa totoo lang, nagbabayad ka ng tax sa gobyerno, tinataga ka pa. Mag-apply ka nga lang ng trabaho, gagastos ka ng P1,000 para sa mga dokumento.

Ikalima, gumawa ng executive order na aatasan ang lahat ng kompanya, maliit man o malaki, na magbigay ng rasyong bigas sa kanilang mga empleyado, pero dapat kunin ang mga bigas na ito sa ating mga magsasaka at hindi imported.

Ikaanim, ipatupad ang “salary standardization” sa mga pribadong kompanya tulad nang ginawa sa Singapore. Ha-limbawa iyong mga sumusweldo ng P1M- pataas bawat buwan ay magkaroon ng “salary freeze” sa loob ng limang taon. At iyon namang sumusweldo ng P20,000 bawat buwan ay doblehin sa loob ng limang taon.

Ikapito, ipatupad ang “one college graduate per family” na libre ng gob-yerno ang babayaran ng estudyante mula elementary hanggang college.

Ikawalo, wakasan na ang “contractualization” sa pamamagitan ng pagiging istrikto ng batas sa mga kompanyang nagpapalusot. Kapag anim na buwan dapat regular employee na maliban kung may “justifiable cause” na siya’y tanggalin.

Ikasiyam, ipatupad ang death penalty sa mga dayuhang mahuhuling nagpapasok ng droga sa bansa. Lumikha ng batas tungkol dito o kundi naman ay dalhin sila sa Tondo o Cavite.

At ika-10, kapag merong “presidential appointee” na nasangkot sa katiwalian, sibakin agad at parusahan.

Marami pa pong “doables” pero, hindi ko naririnig ito sa mga kandidato. Pero, ako po’y nangangarap pa rin. Tandaan natin na ang gobyerno ay dapat na pabor palagi sa nakararaming mahirap, hindi sa mga mayayamang negosyante. Lalong hindi sa mga opisyal na nagpapayaman sa pwesto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.