State of emergency sa Tokyo at iba pang prefectures, pinalawig hanggang March 7

By Angellic Jordan February 04, 2021 - 05:15 PM

Pinalawig ang pagpapatupad ng state of emergency sa Tokyo, Japan at iba pang prefectures hanggang March 7, 2021.

Sa abiso ng Philippine Embassy sa Japan para sa mga Filipino sa nasabing bansa, kasama rito ang Kanagawa, Chiba, Saitama, Aichi, Gifu, Osaka, Kyoto, Hyogo at Fukuoka.

Ito ay bilang pag-iingat anila laban sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Pinayuhan ng Embahada ang mga Filipino sa Japan na sundin ang mga ipinatutupad na panuntunan at health protocols sa mga lugar na nasa ilalim ng state of emergency.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Iwasang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan
– Panatilihin ang social distancing
– Magsuot ng face mask
– Iwasan ang pagpunta sa mga lugar na may 3Cs o closed spaces, crowded places at close-contact settings tulad ng mga bar, night club, karaoke at live-music houses
– Iwasan ang pagdalo sa mga pagtitipon tulad ng drinking party

Sakaling makaranas ng sintomas ng nakakahawang sakit o nagkaroon ng exposure sa isang COVID-19 patient, sinabi ng Embahada na makipag-ugnayan sa local health centers o foreign consultation desks.

Makikita ang listahan nito sa link na ito:
https://www.c19.mhlw.go.jp/area-en.html

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, Japan state of emergency, Philippine embassy in Japan, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, Inquirer News, Japan state of emergency, Philippine embassy in Japan, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.