Lumabas kasing statistically tied sina Poe na nakakuha ng 34 percent at Duterte na may 31 percent sa survey na isinagawa noong March 30 na nilahukan ng 733 na botante.
Bumaba ng isang punto si Poe kumpara sa naunang mobile survey ng SWS noong March 22, habang si Duterte naman ay nadagdagan ng limang puntos.
Tabla naman sina Vice President Jejomar Binay at Liberal Party standard bearer Mar Roxas na parehong nakakuha ng 17 percent.
Si Sen. Miriam Defensor-Santiago naman na nanatiling nasa dulo ng listahan, ay nakakuha ng 2 percent.
MOST READ
LATEST STORIES