Tumamang lindol sa Itbayat, Batanes itinaas sa magnitude 5.6

(UPDATED) Itinaas sa magnitude 5.6 ang tumamang lindol sa Batanes, Huwebes ng hapon.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 73 kilometers Northeast ng Itbayat.

Naramdaman ang pagyanig sa nasabing bayan dakong 4:14 ng hapon.

May lalim ang lindol na 2 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang Intensity 2 kaparehong bayan.

Makalipas ang ilang minuto, naitala naman ang magnitude 3.5 na lindol sa Itbayat.

Tumama ang ikalawang lindol sa 78 kilometers Northwest dakong 4:31 ng hapon.

26 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang dalawang lindol.

Read more...