Mga kaso inihahanda na laban sa gobernador ng North Cotabato dahil sa Kidapawan City clash

 

kidapawan-
Kuha ni WilliamorMagbanua/Inquirer Mindanao

Inihahanda na ng mga abugado ng mga magsasaka ang pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa mga opisyal sa gobernador ng North Cotabato at provincial director ng lalawigan dahil sa marahas na dispersal noong Sabado na ikinamatay ng 3 magsasaka sa Kidapawan City.

Hindi bababa sa sampung mga abugado na pangungunahan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) at Union of Peoples’ Lawyers in Mindanao (UPLM) ang bumubo nan a ng reklamo laban kina Gov. Emmylou Taliño-Mendoza at Supt Alex Tagum at iba pang itinuturong pasimuno ng madugong dispersal.

Bukod sa mga abugado, pasok na rin ang Commission on Human Rights sa imbestigasyon at nangakong magpapadala na ng fact-finding team sa Kidapawan City.

Hiniling na rin ng NUPL na magpalabas ito ng resolusyon upang maimbestigahan ang marahas na dispersal ng mga maralitang magsasaka.

Read more...