Nasawi sa ammonia leak sa Navotas, umabot na sa dalawa

By Angellic Jordan February 04, 2021 - 01:00 PM

BFP photo

Umakyat na sa dalawa ang bilang ng nasawi sa ammonia leak sa Navotas City.

Nangyari ang ammonia leak TP Marcelo Ice Plant and Cold Storage sa bahagi ng 115 North Bay Blvd. sa NBBS, araw ng Miyerkules (February 3).

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, Huwebes ng umaga (February 4) nang makumpirma ang pagkasawi ni Joselito Jazareno, 54-anyos na residente ng Malabon at electrician ng kumpanya.

Base aniya sa inisyal na imbestigasyon, nakita ang biktima malapit sa sumabog na surge tank.

Sa huling tala, nasa 96 katao ang dinala sa mga ospital, kabilang na si Gilbert Tiangco na namatay dahil sa insidente.

Tiniyak ng alkalde na lahat ng medical expenses ng mga pamilyang apektado ay sasagutin ng kumpanya.

Sa ngayon, nakasara pa rin ang ice plant at bubuksan lamang ito kapag naisagawa na ang safety measures alinsunod sa mga rekomendasyon ng Bureau of FIre Protection (BFP).

Sinabi pa ng alkalde na magbibigay ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng counselling para sa mga residenteng na-trauma dahil sa insidente.

Ipapasuri rin aniya sa BFP at sanitation officers ang iba pang ice plant at cold storage sa lungsod ukol sa kanilang Occupational Safety Standards and Environmental Compliances.

TAGS: ammonia leak in Navotas, ammonia leak victims, BFP, Inquirer News, Mayor Toby Tiangco, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news, ammonia leak in Navotas, ammonia leak victims, BFP, Inquirer News, Mayor Toby Tiangco, Radyo Inquirer news, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.