Publiko, hinikayat na mag-report ng mga depekto sa kalsada
Hinikayat ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang publiko na i-report ang mga depekto sa mga kalsada.
“The general public may report any defect or concern along national roads that need immediate rectification and we will do our best to implement palliative measures, if not long-term solutions,” pahayag ng kalihim.
Maaari aniyang matanggap ang mga reklamo ukol sa mga sirang kalsada o iba pang DPWH-related concerns sa pamamagitan ng Hotline 16502 na operational 24/7 at sa social media platforms ng kagawaran.
May mga natanggap na reklamo ukol sa mga problema sa kalsada sa National Capital Region (NCR), kabilang dito ang napaulat na sirang bakal sa manhole sa bahagi ng Aurora Boulevard sa Sta. Cruz, Maynila noong January 22, 2021.
Agad itong inaksyunan ng DPWH North Manila District Engineering Office noong January 23, 2021.
Maliban dito, inayos na rin ng kagawaran ang napaulat na pothole sa Novaliches-San Jose Road sa Caloocan City malapit sa North Caloocan Doctors Hospital at inalis na ang hump sa Oroquieta Street sa Sta. Cruz, Maynila nitong Enero.
“Although our Regional and District Engineering Offices’ personnel nationwide are continuously inspecting our roads, we appreciate the public’s collaboration in monitoring and keeping the quality and safety of our thoroughfares as we recognize the importance of placing the public at the center of our policies and programs,” dagdag ni Villar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.