Pagbabakuna vs COVID-19 sa Cabinet members, wala sa prayoridad ng Duterte administration

Photo grab from PCOO’s Facebook video

Wala sa prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bakunahan kontra COVID-19 ang mga miyembro ng Gabinete.

Pero ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, gagawin ang pagbabakuna sa mga miyembro ng Gabinete kung kinakailangan para mapataas ang kumpiyansa ng publiko.

Sinabi pa ni Nograles na nakahanda rin siyang magpabakuna kahit na ano pang brand o kahit na gawang China.

Pero kinakailangan lang aniya na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang bakuna.

Nananatili aniya ang prayoridad ng Pangulo na dapat na unahing bigyan ng bakuna ang mga medical frontliner at ang mga mahihirap na Filipino.

Read more...