44 pang residente ng Maynila, positibo sa COVID-19
Karagdagang 44 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (February 4), sumampa na sa 26,646 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 388 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 75 active cases.
Sumunod dito ang Malate na may 55 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Nasa 47 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.
Dahil dito, umabot na sa 25,471 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 787 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.