Iba’t ibang grupo, ginamit lang ang rally sa Kidapawan – Malacañang

By Kathleen Betina Aenlle April 04, 2016 - 04:38 AM

 

Inquirer file photo

Iginiit ng Malacañang na posibleng maraming grupo ang nakisawsaw sa protesta ng mga magsasaka sa Kidapawan City, North Cotabato noong nakaraan na nauwi pa sa marahas na dispersal.

Ayon kay Communications Sec. Herminio Coloma Jr., iba at walang koneksyon sa El Niño ang isinisigaw at isinusulong ng iba sa mga nakidalo sa rally, taliwas sa sinabing kanilang ipinaglalaban.

Matatandaang ang nag-tulak umano sa mahigit 5,000 magsasakang nag-protesta ay ang gutom na kanilang nararanasan dulot ng matinding epekto ng El Niño sa kanilang lalawigan.

Pakiwari pa ni Coloma na maraming ibang grupo mula sa labas ng Kidapawan ang nakisawsaw sa rally, dahil lumalabas na mula pa sa iba’t ibang lugar at grupo ang ilan sa mga dumalo dito.

Ani Coloma, napag-alaman nila na hindi naman taga-doon ang iba sa mga nag-protesta, kaya’t posibleng may nag-mobilisa sa kanila para pumunta doon mula sa malalayong mga lugar, dahil iba’t ibang organisasyon pa ang kinakatawan ng karamihan sa mga naroon.

Hinala rin ng Palasyo na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa mga naki-protesta, dahil baka pinaniwala ang mga magsasaka na may mamimigay ng bigas sa rally.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.