Hotel worker nag-COVID 19 positive; higit 520 players, officials sa Australian Open naka-isolate

By Jan Escosio February 04, 2021 - 11:55 AM

Minabuti ng organizers ng Australian Open na ipagpaliban muna ang anim na warm-up events ngayon araw matapos mag-positibo sa COVID 19 ang isang empleado, base sa mga ulat.

 

Kasabay nito, 520 players at officials ng Grand Slam tennis tournament at pinag-isolate muna bagamat naipaliwanag na sa kanila na mababa ang posibilidad na nahawa sila sa naturang empleado.

 

Nagta-trabaho ang empleado sa isa sa mga itinalagang quarantine hotels.

 

Magugunita na tatlong linggo na naantala ang pagbubukas ng torneo para sa quarantine ng mga manlalaro.

 

Sasailalim ang lahat sa testing at inaasahan na lalabas ang resulta sa loob ng 24 oras kayat maaring bukas ay magpatuloy na ang mga laro.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.