Magugunita na noong Lunes, inakusahan ni Pangulong Duterte ang EU nang pagpigil ng pagbebenta ng bakuna ng AstraZeneca sa ilang bansa at sinabi nito na ang mga mahihirap na bansa ay hirap nang makabili ng mga bakuna.
Ngunit binanggit ni Lacson na ang EU ay nagtabi pa ng 853 million Euros para tulungan ang 92 mahihirap na bansa, kasama ang Pilipinas, para ipambili ng anti-COVID 19 vaccines.
Pagdidiin ng senador sinisira ang imahe ng bansa ng nagbibigay ng maling impormasyon sa Pangulo at dapat nang maalis o umalis sa puwesto para hind maging kahiya-hiya sa buong mundo ang Pilipinas.
Aniya inanunsiyo na rin ng EU na hindi kasama ang Pilipinas sa ‘restricted export’ ng mga bakuna at ipinaliwanag na sa pamamagitan ng COVAX facility, ang bansa ay makakakuha ng bakuna para sa 20 porsiyento ng ating populasyon.