Nagbigay ng ‘fake news’ kay Pangulong Duterte ukol sa EU vaccines’ supply dapat mag-resign! – Sen. Lacson

By Jan Escosio February 04, 2021 - 11:34 AM

Hiniling ni Senator Panfilo Lacson ang pagsibak o pag-resign ng opisyal na nagbigay ng maling impormasyon kay Pangulong Duterte ukol sa pagkakasama umano ng Pilipinas sa mga bansa na limatado ang makukuhang suplay ng bakuna ng AstraZeneca mula sa European Union.

 

Magugunita na noong Lunes, inakusahan ni Pangulong Duterte ang EU nang pagpigil ng pagbebenta ng bakuna ng AstraZeneca sa ilang bansa at sinabi nito na ang mga mahihirap na bansa ay hirap nang makabili ng mga bakuna.

 

Ngunit binanggit ni Lacson na ang EU ay nagtabi pa ng 853 million Euros para tulungan ang 92 mahihirap na bansa, kasama ang Pilipinas, para ipambili ng anti-COVID 19 vaccines.

 

Pagdidiin ng senador sinisira ang imahe ng bansa ng nagbibigay ng maling impormasyon sa Pangulo at dapat nang maalis o umalis sa puwesto para hind maging kahiya-hiya sa buong mundo ang Pilipinas.

 

Aniya inanunsiyo na rin ng EU na hindi kasama ang Pilipinas sa ‘restricted export’ ng mga bakuna at ipinaliwanag na sa pamamagitan ng COVAX facility, ang bansa ay makakakuha ng bakuna para sa 20 porsiyento ng ating populasyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.