P904M halaga ng kemikal, kagamitan sa paggawa ng droga winasak ng PDEA
Higit P904 milyon halaga ng nakumpiskang ibat-ibang kemikal at kagamitan sa paggawa ang sinira ng PDEA sa isang pasilidad sa Valenzuela City.
Sinabi ni PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva ang mga winasak nila ay para sa paggawa ng shabu at ang pinakamalaking halaga ng controlled precusors and essential chemicals (CPECs) na sinira sa kasaysayan ng kanilang ahensiya.
Aniya sa kanilang winasak sa pasilidad ng Green Planet Management Inc., higit P108.3 milyon ang halaga ng liquid chemicals; higit P708 milyon ang solid chemicals at higit P11.7 milyon naman ang halaga ng laboratory equipment.
Kasabay nito, pinuri ni Villanueva ang ibat-ibang korte dahil sa mabilis na disposisyon ng mga kemikal at kagamitan, na pawang nakumpiska sa mga ikinasang anti-drug operation at ginamit na ebidensiya sa mga kasong naisampa.
Nagsilbing pangunahing testigo sa seremonya si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at mga kinatawan ng DOJ, DILG at ibat-ibang law enforcement agencies.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.