P2M halaga ng droga nadiskubre sa Christmas gifts sa mga detenido sa Davao City

By Jan Escosio February 04, 2021 - 08:39 AM

File photo

Aabot sa P2 milyon ang halaga ng shabu at marijuana na nadiskubre sa idineklarang donasyon noong nakaraang Pasko para sa mga detenido sa Davao City Jail.

Nabatid na ang hinihinalang shabu ay nasa 26 plastic sachets na binalot ng packing tape.

Tatlong tubular pipes at isang plastic sachet na naglalaman naman ng marijuana fruiting tops ang nadiskubre din na bahagi ng ‘donasyon.’

Binuksan ang packages matapos makatanggap ng intelligence report ang jail warden na naglalaman ng kontrabando ang mga donasyon, na idinaan sa isang religious group.

Tinanggap ang mga idineklarang pamasko para sa mga detenido noong nakaraang Disyembre 19 at itinago muna sa stockroom para sa final inspection.

Naghain na ng pormal na reklamo ang BJMP Region 11 at ang mga nadiskubreng droga ay inilipat na sa kustodiya ng pulisya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.