Pulis at barker, binaril ng kapitan ng barangay

By Kathleen Betina Aenlle April 04, 2016 - 04:29 AM

 

crime-scene-e1400865926320Mahaharap sa dalawang counts ng kasong murder ang isang kapitan ng barangay sa Caloocan City dahil sa hinihinalang pagpatay niya sa isang pulis at barker.

Bagaman nananatili pa rin sa Chinese General Hospital dahil sa mga natamong tama ng bala sa binti at likod, arestado na si Barangay 128 Chairman Ronald Romero.

Ayon kay Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan police, nakasakay ng motorsiklo si PO1 Richmond Mataga kasama ang kaniyang kasintahan, nang makarinig siya ng mga putok ng baril sa may panulukan ng Binhagan at Cabatuan streets.

Kahit naka-sibilyan, rumesponde pa rin si Mataga, at doon niya na nakita si Romero na binabaril ang barker na kinilala lang bilang Michael, kahit pa nakahandusay na ito sa kalsada.

Ayon sa mga residenteng nakakita, binaril ni Mataga si Romero upang mapigilan ito sa pamamaril kay Michael na sinasabing nakaaway nito.

Gayunman, gumanti si Romero at pinaputukan rin si Mataga at nang bumagsak ang pulis, muli pa niya itong binaril nang malapitan sa may dibdib, malapit sa puso.

Giit ni Bustamante, bilang isang person in authority, mali ang ginawa ng suspek, at malinaw na malinaw na intensyon niya talagang pumatay.

Sasampahan din ng kasong frustrated homicide si Romero dahil nakatama rin siya ng isang bystander.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.