Pagkakaroon ng dalawang COVID-19 variant sa isang tao, posible – DOH
Inihayag ng Department of Health (DOH) na posible sa isang tao na magkaroon ng dalawang variant ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Ito ay matapos madiskubre ng mga researcher sa southern Brazil na ilang pasyente ang may taglay na dalawang magkaibang variant ng nakakahawang sakit.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na noong nag-usap ang Inter-Agency Task Force ukol sa COVID-19 variants ilang linggo na ang nakakaraan, nabanggit ng mga eksperto na may posibilidad na magkaroon ng dalawang klaseng variant sa isang tao.
Gayunman, sinabi nito na wala pang nade-detect na ganitong kaso sa Pilipinas.
Sa ngayon, nasa 17 ang naitalang kaso ng UK variant sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.