Blackout sa NAIA T3, isinisi sa sirang generator; 15,000 pasahero naapektuhan

By Jay Dones April 04, 2016 - 03:18 AM

 

‪@sheenapedrieta/Miguel Camus

Isinisi sa isang nasirang generator ang dahilan ng mahigit limang oras na brownout sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 na nagsimula Sabado ng gabi at tumagal hanggang Linggo ng umaga.

Dahil sa naturang brownout, umabot sa 82 na domestic flights ang nakansela samantalang nasa 79 na international flights ang na-delay.

Dahil sa mga cancelled at delayed flights, nasa 15, 000 pasahero ang naapektuhan.

Ayon kay NAIA Terminal 3 manager Octavio Lina, unang naputol ang serbisyo ng kuryente ng Meralco dakong alas 8:45 ng gabi, Sabado.

Kahit agad namang nanumbalik ang kuryente, nagkaproblema naman at hindi gumana ang electrical system ng terminal 3.

Hindi rin gumana ang isa sa sampung generator set ng paliparan kaya’t lalong tumagal ang brownout.

Nakatakda namang makipagpulong ang mga kinatawan ng NAIA T3 sa Meralco ngayong araw, Lunes upang alamin kung ano ang mga hakbang na dapat gawin upang matiyak na hindi na mauulit ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.