Planong online campaigning ng Comelec, dapat pag-aralang mabuti

By Erwin Aguilon February 03, 2021 - 04:19 PM

Hinimok ni House Committee on People’s Participation Chairman Rida Robes ang Commission on Elections o Comelec na pag-aralang mabuti ang “online campaigning” para sa 2022 presidential elections.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez na maaaring ipagbawal ang face-to-face campaigning upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Robes, mayroong “pros and cons” ang naturang plano.

Ang malinaw na benepisyo rito ay mapoprotektahan ang publiko sa anumang posibleng banta ng COVID-19, ani Robes.

Gayunman, sa pangangampanya online, makokompromiso ang sinseridad ng mga kandidato sa mga taong nililigawan o hinihimok nilang bumoto.

Kailangan ding masiguro na makakasunod ang mga kandidato sa panuntunan at limitasyon sa online campaigning upang hindi maabuso ang naturang platform.

Sa kabila nito, tiwala si Robes sa mga gagawing hakbang ng Comelec lalo’t tiyak na ikukunsidera nito ang kapakanan ng mga Pilipino at karapatan nilang makaboto sa harap ng pandemya.

Umaasa rin ang mambabatas na magtutuloy-tuloy ang recovery ng bansa mula sa malawak na epekto ng COVID-19.

TAGS: 18th congress, 2022 elections, Comelec on 2022 elections, Comelec online campaigning, Inquirer News, online campaigning for 2022 elections, Radyo Inquirer news, Rep. Rida Robes, 18th congress, 2022 elections, Comelec on 2022 elections, Comelec online campaigning, Inquirer News, online campaigning for 2022 elections, Radyo Inquirer news, Rep. Rida Robes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.