Malapit ng magkaroon ng bakuna kontra sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Department of Agriculture Secretary William Dar, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa na gumagawa ng bakuna kontra ASF.
Sinabi ni Dar ang bansang Vietnam, na nakakakita na ng magandang resulta sa trial na kanilang isinasagawa.
Bukod dito, inaabangan din aniya ng Pilipinas ang ASF vaccine na gawa naman ng United Kingdom, na sa kasalukuyan ay nasa advance development stage na.
Ang Estados Unidos, na tumulong sa Vietnam, ay nagpahayag na rin aniya nang kahandaan na tulungan ang Pilipinas sa paglutas sa problemang hatid ng ASF.
Nakikita ngayon ng DA ang ASF bilang isa sa mga dahilan kung bakit tumaas ang presyo ng karneng baboy.
Lubhang bumaba ang supply ng baboy matapos na maraming hograisers ang naapektuhan ng ASF mula pa noong 2019 nang una itong makapasok sa Pilipinas .