Panukala upang buwisan ang POGO at kanilang manggagawa lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

By Erwin Aguilon February 03, 2021 - 08:46 AM

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala upang patawan ng buwis ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na nag-o-pperate sa bansa.

Sa viva voce voting ay naaprubahan ang House Bill 5777 na mag-aamyenda sa National Internal Revenue Code.

Layunin ng panukala na makakolekta ng buwis sa mga POGO gayundin ang mga workers nito.

Sa ilalim nito, papatawan ng 5% franchise tax ang annual gross revenue ng mga POGO.

Ang  mga POGO workers naman ay papatawan ng withholding tax na katumbas ng 25% ng kanilang pinagsamang salaries, wages, annuities, compensation, remuneration, at iba pa tulad ng allowances at honoraria o katumbas  ng minimum gross annual income na P600,000.

Inaasahan kikita ang gobyerno ng P45 Billion kada taon sa pagbubuwis sa POGO.

TAGS: Congress, POGO, tax, Congress, POGO, tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.