Halaga ng naibigay na Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2, halos P396-M na

Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pinakahuling datos ukol sa implementasyon ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan to Recover as One Act.

Sa datos hanggang 8:00, Lunes ng gabi (February 1), umabot na sa 74,882 na pamilyang benepisyaryo sa granular lockdown ang nabigyan ng ayuda.

Dahil dito, umabot na sa higit P395.9 milyon ang naipamahagi ng kagawaran.

Samantala, higit P3 bilyon naman ang naipamahagi sa 469,270 na karagdagang benepisyaryo.

Tiniyak ng DSWD na patuloy pa rin ang pamamahagi ng Emergency Subsidy sa ilalim ng Bayanihan 2

Read more...