Kanta ni Carol Banawa, itinampok sa US TV series

 

Mula sa Wikipedia

Labis ang naging katuwaan ng singer na si Carol Banawa na naging tampok sa isang eksena s asikat na US supernatural series na “Vampire Diaries” ang isa sa kanyang mga kanta.

Sa episode 716 ng nasabing tv series, maririnig sa background ng eksena nina Elizabeth Blackmoore alyas Valerie at Paul Wesley alyas Stefan ang kanyang kantang “Bakit Di Totohanin.

Sa kanyang pahayag, hindi makapaniwala si Banawa na managing bahagi ng isang eksena ang kanyang awitin na kanyang kinanta sa wikang Tagalog.

“They have aired it already!? #thevampirediaries used my song in one of the scenes for the episode 716. It was a scene between Stefan and Valerie? They used, “BAKIT DI TOTOHANIN”? I am in disbelief right now but very grateful!” pahayag ni Banawa.

Sa pamamagitan ng Instagram post, pinasalamatan din ng singer ang mga may gawa ng tv series na “Vampire Diaries” dahil ginamit ang kanyang awitin sa isa sa kanilang eksena.

 

 

 

Read more...