Sa pagpatay sa isang Pinay receptionist sa UAE, pagbuo sa DoFil itinutulak ni Sen. Go

By Jan Escosio February 02, 2021 - 06:46 PM

Nangako si Senator Christopher “Bong” Go ng tulong sa naiwang pamilya ni Mary Anne Daynolo, ang Filipina receptionist na biktima ng krimen sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

“Handa po akong tumulong para mabigyan ng hustisya ang pamilya. Gaya ng ginagawa natin dati ang aking opisina ay handang tumulong sa pamilya ni Mary Anne na mabigyan ng hustisya at kung ano pang kailangan nila,” pangako ni Go.

Aniya, nakakadurog ng puso na sa pagsusumikap ng milyun-milyong Filipino na mabigyan ng ginhawa ang kanilang mga mahal sa buhay ay nagsasakripisyo sila na makapagtrabaho sa bansa at magkakaroon lang sila ng malagim na kamatayan.

“Masakit sa akin bilang Filipino na makitang bangkay nang umuuwi ang ating kababayan,” sabi pa ng senador.

Kayat muli, ipinakikiusap ni Go sa mga kapwa mambabatas sa Senado at Kamara na ipasa na ang mga panukala para sa pagtatag ng Department of Overseas Filipinos (DoFil).

“Kaya po isa sa dahilan na talagang isinusulong ko itong Department of Overseas Filipinos para magkaroon tayo ng isang departamento, secretary level na nakatutok lalong lalo na sa mga kababayan natin nasa ibang bansa, mahigit 10 milyon po iyan,” sabi pa ng senador, na pinuna na sa social media na lang kadalasan humihingi ng tulong ang maraming OFWs.

TAGS: Department of Overseas Filipinos, DoFil, Inquirer News, Mary Anne Daynolo, missing Pinay worker in UAE, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Department of Overseas Filipinos, DoFil, Inquirer News, Mary Anne Daynolo, missing Pinay worker in UAE, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.