Magnitude 6.9 lindol, tumama sa karagatan ng Vanuatu
Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang karagatang sakop ng bansang Vanuatu sa South Pacific, dakong alas 5 ng hapon, Linggo, oras sa Pilipinas.
Ang Vanuatu ay matatagpuan sa tinaguriang ‘Pacific Ring of Fire’ sa dagat Pasipiko kung saan malimit na nakakapagtala ng lindol at undersea volcanic activity.
Ayon sa US Geological Survey (USGS) tumama ang lindol sa layong 81 kilometro sa hilagang bahagi ng Port Olry at 407 kilometro ang layo mula sa sentro ng Vanuatu na Port Vila.
Naitala ang pagyanig sa lalim ng 35 kilometro.
Wala pa namang naitalang pinsalang idinulot sa lupa ang malakas na lindol.
Hindi rin nagpalabas ng tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.