162,254 na pasahero, naserbisyuhan ng MRT-3 sa Feb. 1
Umabot sa kabuuang 162,254 ang bilang ng mga pasaherong naserbisyuhan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa araw ng Lunes, February 1, 2021.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito ang pinakatamaas na bilang ng commuters na sumakay sa tren simula nang magbalik-operasyon noong June 1.
Resulta anila ito ng pinataas na passenger capacity, mas mabilis na biyahe ng mga tren at dagdag na running at operational train sets sa linya ng MRT-3.
Sinabi ng pamunuan ng MRT-3 na dinagdagan ang kapasidad ng mga tren sa 30 porsyento o 124 na pasahero kada train car, 372 na pasahero kada train set.
Matatandaang itinaas na sa 60 kilometers per hour ang bilis ng takbo ng tren simula noong December 7.
Bunsod nito, nabawasan ang oras sa pagitan ng mga tren mula 8.5 hanggang siyam na minuto sa 20 tren, pababa ng 3.5 hanggang 4 minuto.
Tiniyak naman ng pamunuan ng MRT-3 na patuloy ang mahigpit nilang pagpapatupad ng health and safety protocols para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.