Sa botong 62 -YES, 2-NO, at 2 ABSTAIN, lumusot sa komite ang RBH 2.
Inalis sa ipinasang panukala ang proposal na payagan ang foreigners na mag-ari ng lupa sa bansa.
Ibig sabihin, ang restrictions sa foreign ownership sa lupa ng bansa ay mananatili.
Sa kabilang banda ay nananatili pa rin ang pagsisingit ng katagang “unless otherwise provided by law” sa mga restrictive economic provisions ng Saligang Batas partikular sa Articles 12, 14 at 16.
Nakatakda na itong iakyat sa committee on rules para maikalendaryo at masimulang talakayin sa plenaryo.
Para ganap na mapagtibay ang economic cha-cha sa Kamara ay mangangailangan ng 3/4 votes mula sa lahat ng mga kongresista.