Panukalang amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas, lusot na sa komite sa Kamara
Pasado na sa House Committee on Constitutional Amendments ang Resolution of Both Houses no. 2 o ang isinusulong na amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.
Sa botong 62 -YES, 2-NO, at 2 ABSTAIN, lumusot sa komite ang RBH 2.
Inalis sa ipinasang panukala ang proposal na payagan ang foreigners na mag-ari ng lupa sa bansa.
Ibig sabihin, ang restrictions sa foreign ownership sa lupa ng bansa ay mananatili.
Sa kabilang banda ay nananatili pa rin ang pagsisingit ng katagang “unless otherwise provided by law” sa mga restrictive economic provisions ng Saligang Batas partikular sa Articles 12, 14 at 16.
Nakatakda na itong iakyat sa committee on rules para maikalendaryo at masimulang talakayin sa plenaryo.
Para ganap na mapagtibay ang economic cha-cha sa Kamara ay mangangailangan ng 3/4 votes mula sa lahat ng mga kongresista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.