Mga panukala para bigyan kapangyarihan si Pangulong Duterte na suspendihin ang premium hike sa SSS at Philhealth malaking tulong sa mga Filipino

By Erwin Aguilon February 02, 2021 - 09:02 AM

Ikinalulugod ni House Speaker Lord Allan Velasco ang pagkakapasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa sa mga panukala na magbibigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para suspendihin ang premium hike sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) at Social Security System (SSS).

Ang dalawang panukala ay ini-akda ni Velasco, na layong makatulong sa mga Filipino na tinamaan ng malawak na epekto ng Covid 19 pandemic.

Ayon kay Velasco, ang pagbibigay ng kapangyarihan sa pangulo na suspendihin ang nakatakdang pagtaas sa Philhealth at SSS contribution rates ay ang pinaka-tamang aksyon upang mabigyan ang mga Filipino na kahit kaunting ginhawa sa gitna ng pandemya.

Sinabi ng lider ng Mababang Kapulungan na inaasahang aabot sa 30 milyong Philhealth direct contributors at 37.7 milyong paying members ng SSS ang makikinabang sakaling magpasya ang pangulo  para sa suspensyon ng taas-singil.

Aminado ni Velasco na tiyak na magkakaroon ng “shortfall” sa koleksyon ng Philhealth at SSS. Pero, ito ay para naman makahinga ang mga kababayan natin mula sa mga bayarin.

Sa ilalim ng House Bill 8461, aamyendahan ang isang probisyon ng Universal Health Care law kung saan nakasaad ang premium hike sa Philhealth, kung saan nakatakdang tumaas ng 3.5% ang premium rate contribution ngayong 2021, mula sa kasalukuyang 3%.

Sa House Bill 8512 naman, aamyenda ang isang probisyon sa Social Security Act of 2018 kung saan nakatakdang itaas sa 13% ang share ng employer at empleyado sa SSS contribution.

Ikukunsidera ang pagpapaliban sa Philhealth at SSS contribution rate increase sa panahon na nahaharap sa national emergency ang bansa.

 

TAGS: Lord Allan Velasco, philhealth, premium hike, Rodrigo Duterte, sss, Lord Allan Velasco, philhealth, premium hike, Rodrigo Duterte, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.