Ayon kay Dominguez kinakailangan na makakuha ang Pilipinas ng karagdagang mga bakuna dahil nagkukulang ang suplay at naaantala ang pag-deliver ng mga ito.
Ang mga binabalak na bilhin na bakuna ay mula sa AstraZeneca, Pfizer, Novavax, Moderna, Johnson and Johnson at Sinovac.
Unang balak ng gobyerno na bumili ng 148 milyon bakuna para sa 70 milyon Filipino.
Bago ito, inanunsiyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na sa ngayon ay sigurado na ang 108 milyon bakuna para sa mga Filipino at ang pakikipagkasundo ay maaring maselyuhan sa susunod na linggo.
Pagtitiyak ni Dominguez may pondo para sa mga bakuna at ang magiging isyu na lang aniya ay ang kakapusan ng suplay at delivery.