Panukala para bawas gastos sa mga job applicant itinutulak ni Sen. Leila de Lima

By Jan Escosio February 02, 2021 - 06:43 AM

Hinihikayat ni Senator Leila de Lima ang mga kapwa senador na suportahan ang panukala niya na ang layon ay mabawasan ang ginagastos ng mga naghahanap ng trabaho.

Umaasa si de Lima na mabibigyan prayoridad ng Senado ang inihain niyang Senate Bill No. 1435.

Paliwanag nito, layon ng kanyang panukala na mabigyan  ang mga mahihirap na naghahanap ng trabaho ng diskuwento sa pagkuha ng certificates at clearances na iniisyu ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

Katuwiran ng senadora dagdag pasanin pa ang mga kaliwa’t kanang bayarin sa requirements sa kanilang paghahanap ng trabaho.

Nabatid na nakasaad sa panukalang ‘Indigent Job Applicants Discount Act,’ ang mga mahihirap na naghahanap ng trabaho ay bibigyan ng 20 porsiyentong diskuwento sa pagkuha ng police clearance, marriage certificate, birth certificate at transcript of records kung sila ay nag-aral sa mga pampublikong pamantasan.

May inihain panukala din si de Lima, ang Senate Bill No. 1973, na layon mapalawig pa ang ibinibigay na diskuwento sa senior citizens sa mga establismento at botika.

Gayundin ang Senate Bill No. 1979 na para naman mabigyan ng subsidiya at insentibo ang mga public utility drivers sa pagkuha nila ng ilang sertipiko na hinihingi ng Land Transportation Office.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.