Inilunsad ang taunang libreng vaccination program laban sa measles at rubella sa Manila City Hall, araw ng Lunes (February 1).
Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno ang vaccinatiom drive na may titulong “Chikiting Ligtas sa dagdag bakuna kontra Tigdas at Rubella.”
Target nitong mabakunahan ang mga bata sa lungsod na may edad siyam hanggang 59 buwan mula February 1 hanggang 28.
Inaayos na rin ng Manila City government ang COVID-19 vaccination program na inaasahang magsisimula sa buwan din ng Pebrero oras na dumating ang mga bakuna.
“With the local government of Manila, the international organizations, and with the help of the barangays, this is where we can win the fight against measles,” pahayay ng alkalde.
Hinikayat ni Moreno ang mga magulang na makiisa sa immunization programs upang mabigyan ng proteksyon ang mga bata laban sa mga sakit.
“It is up to the parents to decide whether you believe in science, if you believe in securing the health and the future of your kids,” saad nito.
Importante rin aniya ang pagkakaroon ng good hygiene sa lahat ng lugar para makaiwas sa anumang nakakahawang sakit.