60 pang residente ng Maynila, positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan February 01, 2021 - 02:51 PM

Karagdagang 60 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (February 2), sumampa na sa 26,518 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 372 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 65 active cases.

Sumunod dito ang Tondo 1 na may 48 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 50 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 25,362 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 784 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Manila, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Manila, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.