Dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas (Feb. 2)
Magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.
Batay sa anunsiyo ng Seaoil, Petro Gazz, Shell at Caltex, tataas ng P0.25 ang presyo sa bawat litro ng gasoline habang P0.25 naman ang bawas sa kerosene.
P0.25 rin ang dagdag sa gasolina ng Petro Gazz.
Wala namang pagbabago sa presyo ng diesel ng mga naturang oil company.
Base naman sa anunsiyo ng Cleanfuel, walang magiging pagbabago sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.
Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Seaoil, Petro Gazz at Shell bandang 6:00, Martes ng umaga (February 2).
Dakong 12:01, Martes ng hatinggabi, naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Caltex.
Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba’t ibang oil companies ng kanilang oil price adjustment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.