Price ceiling sa karne ng baboy at manok pinuri ni Sen. Bong Go

Photo credit: Sen. Bong Go

Natuwa si Senator Christopher Go at pinakinggan ng Malakanyang ang kanyang apila na magpalabas ng executive order para sa pagtatakda ng price ceiling sa mga karne ng baboy at manok.

Tiwala si Go na malaking tulong sa mga konsyumer ng Metro Manila ang Executive Order No. 124 ni Pangulong Duterte.

Paliwanag niya ang pangulo ng bansa sa ilalim ng RA 7581 o ang Price Act ay maaring magpatupad ng price ceiling sa mga pangunahing bilihin base sa rekomendasyon ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno.

“Huwag po natin hayaan na may mamamatay sa gutom. Kaya hinihikayat ko ang mga kasamahan ko sa gobyerno na gawan ng paraan at magtulungan para sa kapakanan ng mga Pilipinong hirap na hirap na talaga. Pagaanin natin ang kanilang pinapasan at huwag natin silang mas pahirapan pa,” diin ng senador.

Epektibo ang utos ni Pangulong Duterte ng 60 araw at maari pang mapalawig.

Naniniwala si Go na ang pagpapatupad ng price ceiling ay hindi makakaapekto sa kita ng mga negosyante ng karne ng baboy at manok dahil ang maaring ibaba ng presyo ay hindi higit sa 25 porsiyento ng kasalukuyang mga presyo.

Read more...