Pre-vaccine screening sa mga lolo’t lola dapat nang ikasa – Seniors’partylist

By Erwin Aguilon February 01, 2021 - 12:56 PM

Sinabi ni Senior Citizens partylist Representative Rodolfo Ordanes na dapat ay simulan na ang pre-screening sa mga lolo at lola kaugnay sa ikakasang anti-COVID 19 vaccination program ng gobyerno.

Napakahalaga, ayon kay Ordanes, ng pre-screening sa mga matatanda para malaman kung sila ay may allergies, pre-existing condition tulad ng hypertension, diabetes, asthma at iba pang ‘red flags’ para sa posibleng adverse reactions ng bakuna.

Sa ganitong paraan, aniya, malalaman kung anong bakuna ang dapat na iturok sa kanila.

Bukod dito, ayon pa kay Ordanes, kinakailangan din na mabakunahan ang mga kasama sa bahay ng seniors maliban sa mga bata para mas mababa ang posibilidad na kumalat ang coronavirus sa pamilya.

Sinang-ayunan naman nito ang balak ng Department of Health na ‘house-to-house’ vaccination sa seniors.

Makakatulong din aniya kung may listahan ang mga barangay ng seniors sa kanilang lugar para mapabilis ang pagtukoy sa mga dapat bakunahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.