GSIS’ pension loan ipinaabot sa kalahating milyon piso

Mula P100,000 itinaas na sa P500,000 ang pinakamalaking maaring mautang sa pension loan program ng Government Service Insurance System (GSIS).

Ito ang inanunsiyo ni GSIS president / general manager Rolando Ledesma Macasaet at aniya kahit ano ang edad ng pensioner ay maaring siyang umutang ng bagong maximum loanable amount.

“Previously, only old-age pensioners who are 64 years old and below may avail of the maximum amount equivalent to six times their monthly pension. Pero dahil gusto naming mabigyan ng ginhawa ang lahat ng old-age pensioners sa gitna ng pandemyang apektado ang lahat, puwede nang makahiram ang lahat ng old-age pensioner ng maximum amount kahit 65 years old o higit pa sila,” paliwanag ni Macasaet.

Hindi naman kuwalipikado sa programa ang may service loans sa ilalim ng Choice of Loan Amortization Schedule for Pensioners o sa Program for Restructuring and Repayment of Debts.

Kinakailangan na may 25 porsiyento na matitira sa buwanang pensyon kapag naibawas na ang kanilang uutangin.

Ang Enhanced Pension Loan ay babayaran ng dalawang taon sa pamamagitan ng automatic pension deduction at ito ay may interes na 10 porsiyento.

Read more...