Bata na may edad 12 pababa bawal nang umupo sa front seat ng sasakyan

By Jan Escosio February 01, 2021 - 12:18 PM

MMDA Photo

Simula bukas, Pebrero 2,  mahigpit nang ipapatupad ng Land Transportation Office (LTO) ang Child Car Seat Law.

Nangangahulugan na ang mga bata edad 12 pababa ay hindi na maaring umupo sa front passenger seat ng anumang sasakyan, gayundin ang mga may taas na 4’11” pababa.

Paliwanag ni LTO Law Enforcement Service Dep. Dir. Roberto Valera, nakasaad din sa batas na kinakailangan na gamitin ang child restraint system (CRS) ng mga sasakyan sa mga pasaherong bata bukod sa dapat ay sila ay naka-seatbealt.

Aniya ito ay para na rin sa kaligtasan ng mga bata sa mga aksidente o kahit sa biglaang pag-preno ng drayber.

Paglilinaw naman niya na hindi pa nila huhulihin ang mga lalabag sa batas hanggang sa susunod na anim na buwan at ang tanging gagawin lang ng enforcers ay ipaalala sa mga masisita ang batas.

Kasabay sa pagsita nila aniya ay ang kanilang information campaign ukol sa batas at pamamahagi ng information materials.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.