Barangay Captain patay sa pamamaril sa Laguna

Patay ang isang barangay captain makaraang pagbabarilin sa Bay, Laguna, Linggo ng umaga.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Laguna Police, nakilala ang biktima na si Arnold Martinez, 54 anyos at barangay captian ng Barangay Tranca ng nabanggit na bayan.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Bay, Laguna Police naka duty sa kahabaan ng Bitin-Sto. Tomas Rd. sa nasabing barangay ang biktima nang dumating ang apat na suspek na lulan ng dalawang motorsiklo.

Bigla na lamang pinagbabaril ang biktima ng mga hindi nakilalang suspek at kaagad ding tumakas matapos ang krimen.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente.

 

 

Read more...