34 positibo sa COVID-19 sa ikalawang mass testing sa Kamara

By Erwin Aguilon January 31, 2021 - 12:43 PM

 

Nakapagtala ang House of Representatives ng panibagong 34 na kaso ng COVID-19.

Ayon kay House Secretary-General Mark Llandro Mendoza, ito ay mula sa kabuuang 2, 848 na isinailalaim sa RT-PCR test kasunod ng ikalawang mass testing sa Batasang Pambansa.

“This is equivalent to a positivity rate of only 1.19 percent, which is way below the 5 percent positivity rate recorded during the first mass testing,” sabi ni Mendoza.

Nauna rito, 98 ang nagpositibo sa COVID-19 mula sa 2,000 miyembro ng Kamara at mga empleyado sa isinagawang mass testing noong November 10-20, 2020.

Lahat ng 98 ayon kay Mendoza na nagpositibo ay nakarecover na.

Karamihan anya sa mga nagpositibo sa ikalawang mass testing ay asymptomatic.

Dinala sa mga isolation facilities ang mga nagpositibo upang maiawasan ang pagkalat nito.

Nagsagawa din anya sila ng contact tracing sa mga naging close contact ng mga ito.

Sinabi rin ng ospisyal na bukod sa regular testing ay nagsasagawa sila ng mas mahigpit na health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa Batasan Complex.

“Speaker Velasco said we must continue or even intensify our efforts to prevent the spread of COVID-19, especially now that a new variant of coronavirus is gaining a foothold in the country,” dagdag ni Velasco.

Noong nakalipas na linggo ipinatupad na ng kamara ang No-negative Antigen test, No Entry.

 

TAGS: COVID-19, House of Representatives, Mark Llandro Mendoza', mass testing, speaker velasco, COVID-19, House of Representatives, Mark Llandro Mendoza', mass testing, speaker velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.