Panukala para sa pagbibigay ng dagdag na tax incentives sa mga negosyo lusot na sa bicam
Nagkasundo na ang bicameral conference committee para sa panukalang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Bill o CREATE.
Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda, tapos na ang kanilang pagtalakay sa magkaibang bersyon ng panukala.
Lagda na lamang anya ang hinihintay upang ito ay ratipikahan ng Kamara at Senado at maipadala sa Malakanyang at malagdaan ni pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na bataas.
Sabi pa nito, “As far as investment uncertainty over tax regime is concerned, that’s finished. The Secretariats are now preparing the final copy as we speak. We will sign this weekend, and ratify by Monday or Tuesday.”
Sinabi ni Salceda na aabot sa $18 billion para sa foreign direct investments ang nawala sa bansa sa nakalipas na tatalong taon dahil sa pagkaanta sa pagpasa ng panukala.
“Now that it’s done, I expect the investment overhang to close. Investors can now stand on more solid footing,” saad ni Salceda.
Sa ilalim ng CREATE Bill, ibababa ang corporate income tax mula sa 30 percent at gagawin itong 25 percent para sa mga large corporation at 20 percent naman para sa mga small and medium corporation na mayroong net taxable income na mababa sa P5 million at total assets na mas mababa sa P100 million.
Magkakaroon din ng hanggang 17 taon na incentives para sa mga exporters habang 4 hanggang 7 taon naman na income tax holiday at 10 taong special corporate income tax holiday para sa mga critical domestic enterprises.
Hanggang 12 taon na incentives kasama ang 4 hanggang 7 taong income tax holiday at 5 taong special corporate income tax holiday ang ibibigay sa mga negosyo na may investment capital na hindi bababa sa P500 million o kaya naman ay 5 taong enhanced deductions.
Kapag naging batas, ibaba rin ng panukala ang minimum corporate income tax mula sa 2 percent patungo sa 1 petrcent simula July 1, 2021 hanggang June 30, 2023.
Ang mga non-profit educational institutions at mga ospital ay magbabayad na lamang ng 1 percent corporate income tax rate mula sa kasalukuyang 10 percent simula July 1, 2021 hanggang June 30, 2023.
Kasama rin dito ang pagbaba ng buwis para sa mga maliliit na negosyo na may benta na mababa sa P3 millon, mula sa 3 percent tax sa kanilang gross sales at 1 percent na lamang ang babayaran.
Nakasaad din sa panukala na bibigyan ng karagdagang tatlong taon na income tax holiday ang mga negosyo na lilipat mula sa Metro Manila patungo sa mga lalawigan.
Ang mga negosyo naman itatayo sa mga lugar na tumatayo mula sa disaster at karahasan ay magkakaroon ng karagdagang dalawang taon na income tax holiday.
COVID-19 at Health Incentives
Simula naman sa January 1, 2021 ay exempted sa pagbabayad ng value added tax o VAT ang mga gamot sa cancer, mental illness, tuberculosis at kidney diseases.
Wala ring babayarang VAT at duty-free ang mga aangkating bakuna laban sa COVID-19.
Ang mga inangkat at ibebentang gamot kontra sa COVID-19 at personal protective equipment o PPE at libre din sa VAT hanggang December 2023.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.